<EMBED SRC="http://www.norbert26.com/midi_1/candleinthewind.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/balelengurbanflow.mid" autostart="true" loop="9"> BAHAY KUBO ni Lolo....: Ang Aming Maralitang Nayon

Sunday, May 22, 2005

Ang Aming Maralitang Nayon

doon po sa aming maralitang nayon
isang tunay na maton noong unang panahon
sa bayan na aking kinagisnan doon bumangon
pinanganak ang isang katangiang panglupon
tinayo ang bandila ng mga mamamayan dun.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

tumayo si amang diego na isang maralita
hinarap ang mga taong mapagsamantala
bagkus na katangian kanyang pinakita
sa mga kanayon siya ay isang dakila.

dumaloy ang dugo sa isang himagsikan
isang diego silang ang kanyang pangalan
sa bansa'y pinakita ang tunay na katarungan
itinayo ang kanyang maralitang kababayan
at pinakita ang kanyang tunay na kabangisan.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

sa kabila naman ng mga himagsikan
ipinanganak doon ang isang kagandahan
gloria diaz naman ang kanyang pangalan
kung sa ganda at galing ay hinahangaan
binulaslas ang kanyang tunay na katangian
mayumi, malambing, mahinhin na kagandahan
sa buong mundo siya'y talagang hinangaan.

isang dalagang ang pangalan ay gloria
tinayo at winagayway Pilipinas na bandila
sa kagalingan at sa kagandahan tumayo siya
buong mundo'y nakita, isang tunay na pilipina
doon po sa amin siya'y pinanganak at nagsimula.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com