<EMBED SRC="http://www.norbert26.com/midi_1/candleinthewind.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/balelengurbanflow.mid" autostart="true" loop="9"> BAHAY KUBO ni Lolo....: Kaugalian Ng Mga Pilipino

Sunday, May 22, 2005

Kaugalian Ng Mga Pilipino

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


Ang PAGMAMANO ay isang kaugaliang Pilipino.
Katangian na taglay ng kapwa ko mga pango
Pag umuwi sa bahay, sinasagawa ang pagmamano
Sa mga magulang at nakakatanda sa iyo
Diyan pinapakita ang tunay na respeto
Abot ang kamay nila at nilalagay sa noo.

May mga katangian sa nayon, meron ding kapintasan
Paguugaling kinagisnan nung tayo'y nasa kabataan
Minulat ng mga lolo at lola sa ating mga magulang
Na atin ding nakuha nung tayo'y pinapangaralan.

Maliit man ang nayon na ating kinagisnan
Doon'y magkakakilala lahat na magkababayan
Kung sa bahay mo'y merong kang kinakailangan
Lipat bahay ka lang at ikaw'y kanilang hahagisan.

Sibuyas, bawang, bagoong, asin o kaya suka
Pag wala sa iyong kusina, sigaw ka sa bintana
Kapitbahay sa kabila ngalan ay si Aling Maria
Siya'y nakahandang magbibigay kung anong wala ka
Kaya buhay sa nayon ay sadya namang napakaganda.

Eto pa ang masarap sa magkakapitbahay sa bayan
Pag nakaluto na si Aling Tina'y dala na ang pinggan
Sangkatutak na ulam, pati na rin sabaw kanyang papatikman
Yan ba naman ay mahahagilap mo sa banyagang bayan?

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com