<EMBED SRC="http://www.norbert26.com/midi_1/candleinthewind.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/balelengurbanflow.mid" autostart="true" loop="9"> BAHAY KUBO ni Lolo....: Pagbati Sa Dalawang Kaibigan

Tuesday, May 24, 2005

Pagbati Sa Dalawang Kaibigan

Para Sa inyo Melanie at Pumpkin...

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Isang kaugalian ating nakagisnan at natutunan
Pagpasok sa bahay o kaya sa ganitong larangan
Papugay at pagbati sa aking mga tunay na kaibigan
Eto'y dapat iparamdam sa kanila ang kahalagahan
Naumpisahang pagkakaibigan sa larangan at harapan
Sila'y napasok sa Bahay Kubo na aking naumpisahan.

Maraming Salamat sa inyong pagdalaw dito
Sa munting sitio, larangan ng Bahay Kubo
Ms Tapya at Kalabasa na mga kaibigang totoo
Pagdalaw niyo dito'y kinagagalak ng puso ko.

Sa maigsing panahon, tayo'y nagsama sama
Tunay na ugali ang inyong mga ipinakita
Labis na pasasalamat galing sa aming magina
Masayang Kahapon amin pa ring naaalala
Ang kabaitan niyo'y di pwedeng ikumpara.

Mga katangian niyong dalawa na laging taglay
Kasiyahan sa mukha,ngiti sa labi inyong inalay
Di maihahambing kahit sa ano pang bagay-bagay
Yan ay aming nakita sa inyo sa tunay na buhay
Kaya etong tula sa Bahay Kubo ay aking papugay.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

Image hosted by Photobucket.com