<EMBED SRC="http://www.norbert26.com/midi_1/candleinthewind.mid" autostart="true" loop="9"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/balelengurbanflow.mid" autostart="true" loop="9"> BAHAY KUBO ni Lolo....: June 2005

Sunday, June 19, 2005

Artwork - Kathang Isipan at Kamay

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com
Artwork by: mishu 2005

Eto'y gawa ng aking mabait na dalaga
Kanyang nilahad isang magandang katha
Sa isipan nabuo "piece of art" na gawa
Kasiyahan ng isang ina eto'y aking ipapakita.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Artwork by: mishu 2005

Tuesday, June 07, 2005

Kubo ay Aking Nakaligtaan

Ang bahay kubo'y aking nakaligtaan
Di ko man lang nasilip at napasukan
Sa dami ng inaasikasong ibang larangan
Bahay Kubo ni lolo'y di man lang nadaanan.

Magandang Araw Bayan, aking muling buksan eto
Ng hindi naman magtampo ang yumaong kong lolo
Kahit papaano siya pa din ay nasa isip na ninuno
Dahil mga alaala'y kanyang lahat iniwan sa mundo.

Bahay kubo na eto ay sadyang itinayo dito
Para malibang sa pagsulat na laman ng isip ko
Pag walang magawa o kaya nalulumbay ng totoo
Takbo lang ako dito sa sitiong bahay kubo.

Mga preskong pagkain at paligid ay mahangin
Bahay kubo ni lolo wala talagang kahambing
Pag may problema bahay kubo ay aking bisitahin
Ng maliwanagan ang mga hakahaka na puno ng damdamin
Dito ibulaslas mga nasa isipan ng di tuloy bubugnutin.

Image hosted by Photobucket.com